haha.. hmmm.. tagal ko na ring hindi nakapagsusulat.. nagbaksyon kasi muna at sabay ng pagbabakasyon na yon ay ang hindi pagsulat sa blog.. haha...
well, ano nga ba.. tinatamad kasi ako kasi parang feel ko na wala namang nagbabasa nito.. alam mo yun.. parang nawawalan ka ng gana.. kaya nga ako nag-blog to let people read my thoughts, tapos walang babasa.. well, problema na nila yon..
okay naman ang Christmas, kahit may kulang.. at least kasama ko ang mga relatives ko para hindi masyado maalala at maaliw na rin.. ok rin ang New year.. i've got to see a lot of pretty fireworks, at nanuod lang ako.. ni lusis hindi ako nakahawak.. so mesyo boring.. at hindi ganon ka-ingay.. haay.. nakakamiss talaga...
pero ayoko na talagang alalahanin yon.. basta they're always in my heart..
well.. what are my new year's resolutions...??
here they are.. pero hindi ko in-expext na magawa lahat.. pero i'll try..
1. mag-aral na... no more tamad-tamad.. pag may test bukas, mag-aaral na ako.. hindi 5 minutes before the test... (this is impossible.. been on my list for a long time... haha.. guess i can't change the habit.. pero for college. i'll try..)
2. magtipid... eto magagawa ko yan.. syempre kelangan eh...
3. be more responsible.. don't be lazy on the job.. haha...
4. try to update more on my blog... (wish i will do this..)
5. be more in-touch with my friends..(magka-college na.. don't want to lose the communication till reunion.. and you don't know about life.. baka i'll go to other country.. you never know.. life's full of surprises..)
6. be more honest.. (have to quit lying..)
7. be more closer with my siblings, friends and relatives..
8. lastly.. to continue my growing relationship with Jesus...
well.. andami ko namang resolutions.. sana naman matupad ko lahat yan.. kung di man, 50% complete oks na..
hehe.. wish that i won't be as lazy as last year... lapit na mag-college.. nakakatakot... tapos malapit na rin lumabas ang results sa entrance exams... please pray na makapasa ako either UP or UST.. mataas ang pangarap ko eh.. libre lang naman.. hehe...
uhm.. nakaka-asar naman sobrang late ng Princess Hours.. gusto ko mangheram ng DVD.. ang ganda kasi ng story eh.. well, minsan lang ako ma-addict sa mga koreanovela.. kaya pagtiyagaan niyo na ako...
ano pa nga ba?? ah.. nung vacation.. nag-enjoy talaga ako sa pag-mountain bike.. pero hindi sa mountain eh.. sa kalye lang.. pero oks lang.. kasi ang saya-saya ng feeling.. parang stress reliever.. for me ah.. i'm not sure kung ganon din kayo.. basta ang sarap ng feeling.. feel ko nasa langit ako.. haha..
so ayun na lang min.. can't think of anything else to write about na eh...
my wish.. sana sa year 2007 may avid readers na ang blog ko.. kung meron man, pakilala kayo.. hehe.. would like to know you..
God bless you all... Jesus loves you..!! :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment