Wednesday, May 09, 2007
XS Chinese camp 2007
grabe.. halos one month rin kaming andon..
parang kami ay nakakulong sa PBB house.. hehe...
isang buwan walang TV, Computer....
pero thank God, may cellphone at telephone...
nakakamiss talaga ang lahat ng tao doon..
close man o hindi..
parang naging kapamilya na rin ang turingan namin...
aaminin kong nahihiya akong umiyak.. haha.. pero kasi pag umiyak ako walang tigil.. hehe:D sawa na akong umiyak...
tsaka kahit na nagkahiwalay man kami, i know God will make a way for us to cross paths again... it's not the end of the world.. haha..
sa sobrang dami ng nangyari doon, nkakatamad ng ikwento sa blog ko.. kaya reminiscing na lang..
mamimiss ko ang paggising sa umaga para mag-taichi... kahit na nakakatamad.. at least pag may nakita akong nag-tataichi.. sabay kami.. haha...
mamimiss ko rin ang breakfast, kahit na sa bahay ay hindi ko ugali kumain ng breakfast...
mamimiss ko ang BIBLE STUDY namin... akala ko magiging stagnant ako sa camp, pero God used me to share.. and si pastor Kelvin.. na alam kong may future mag-pastor..:D kahit na minsan ay konti lang ang nasha-share, nagiging fruitful din naman..
at happy ako kasi marami ang nagaccept at sinabi na they'll live their life for CHRIST!:D
mamimiss ko yung class ng ti san pan, kahit na minsan ay nakakatulog ako sa klase.. hehe:D medyo mahirap ang mga lessons pero kaya pa rin..
mamimiss ko ang wu tao lessons kahit na i hate dancing.. at least once in my life masasabi ko na nakasayaw ako.. hehe:D
mamimiss ko ang lunch time.. haha... lalo na ang mga kulitan with the teachers during lunch.. *teachers from China.. hindi sila madonna.. di ko maimagine.. haha:P*
mamimiss ko ang break after lunch.. ang pagtulog at ang paglaro ng UNO.. hehe.. minsan ran BIBLE STUDY time to..
mamimiss ko ang history class... ni once di ako naka-recite.. kaya wala ako prize..*boohoo*
mamimiss ko ang merienda.. lalong lalo na ang halo-halo.. di ko na nga alam kung anong nasa loob nun eh.. halo-halo talga..
mamimiss ko ang playground.. para kaming mga-isip bata na naglalaro doon.. pero masaya..
hanggang dito na lang muna ang aking kwento.. dahil tinatamad na me.. di bale.. dadagdagan ko na lang.. hehe:D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment