Tuwing paglubog ng gintong araw,
kagandahan mo'y aking natatanaw.
Lakas ng hangin aking nararamdaman,
pag-alon ng dagat di ko maiwasan.
Mga alon lamang ang aking naririnig,
Pati mga uwak at kanilang munting tinig.
Mga buhangin na talaga namang kay puti,
AT ang haplos ng hangin na kay lamig.
Sa paglubog ng araw ay kasama na rin,
Ang mga problemang hirap limutin.
Mga problema'y aking nalilimutan,
Sandaling kapayapaa'y aking nararanasan.
Mundong payapa'y aking pinapangarap,
Pag-iwas sa gulong aking hinaharap.
Tuwing pinagmamasdan ang pinagkaloob ng Diyos,
Ito'y aking nagiging munting lunas.
Ngunit sa pagtapos ng gabi at sa pagsikat ng araw,
Pagharap sa kaguluhan ay nariyan na naman.
Kelan ko kaya ulit mararanasan,
Ang mundong payapang aking inaasam?
No comments:
Post a Comment