Friday, December 15, 2006

epal tong araw na to part2 but in the end it turned out to be fine..

pinaalala sa akin na wala na ang parents ko. alam ko naman yun, kaso ayoko ng masydong isipin.. na-miss ko tuloy.. tapos nung mga time na yun umiiyak ako dahil miss ko na nga sila.. tapos tuloy lang siya sa kakadada.. bakit ayaw raw naming mag-bigay sa white gift.. ganyan.. ang white gift naman kasi dapat hindi pinipilit eh.. magbibigay naman kami kung hindi pilit eh.. tsaka dapat from the heart.. feel ko gusto niya kami mag-white gift para lang manalo dun sa contest.. wala namang kwenta yung contest eh.. what matters is nag-share ka ng kahit konti.. tapos tuloy pa rin siya.. ayaw kasi naming mag-bayad dun sa fair.. eh totoo namang mahal eh.. gipit na nga ang mga tao ngayon, tapos ni-rerequire pa na bumili ng ticket na pagkamahal.. P200, eh konti lang naman ang sasaky sa mga rides eh.. nonsense.. tsaka mag-rerequire na nga sila yung mahal pa.. wala man lang silang awa.. eh, hindi naman life-changing event ang fair para pag-gastusan ng malaking pera eh.. di naman mag-babago ang buhay ko kung pumunta ko ng fair eh.. tapos sinabi pa niya na di raw ako role model dahil ako raw ang presidente ng class tapos pasaway ako dahi ayokong magbayad... eh wala ngang kwenta nag fair para gumasta ng malaki.. entrance lang oks na.. bat pa kailangan bumili ng ticket.. kung gusto ko mag-rides, sa enchanted na lang o sa star city.. o kaya sa perya... di ba.. dapat nga enjoy ang fair eh.. eh, hindi pa nga nag-sisimula dami na problema.. ah.. bahala na.. ewan ko.. pero asar talaga ako...

pero thank GOd at natapos na rin ang pag-iyask ko.. ang tagal nun grabe.. pero na-touch ako sa mga friends ko.. kinomfort nila ko.. nalaman ko na marami pala ang nagmamahal sa akin.. kaya kakalimutan ko na yung nangyari... ayoko ng palakihin pa nag issue.. hehe..

okay naman ang maging prangka, kaso minsan nakakasakit na talaga tayo ng kapwa.. isipin naman natin paminsan ang mga sinasabi natin.. hehe.. deep noh?? lesson yan.. hehe..

well... ayun na.. pero in the end, it turned out to be a fine day.. dahil Christams party sa fellow.. hehe... pero may mga natutunan rin kami.. ang Christmas is to celebrate GOd's birthday.. kaya isipin natin na it's all for Him.. not for us..

o sige na till here.. thanks nga pala sa lahat ng nag-bigay sa akin ng card.. at sa mga nag-regalo sa akin.. sorry, di ako makaka-bigay.. bawal kasi eh...

tsaka ang nanalo sa Project Runway season3 ay si Jeffrey Sebella.. ang ganda ng collection niya.. pero mas type ko si Uli Herzner.. hehe, kala ko nga siya mananalo eh.. haay.. tapos na Project Runway, wala na ako mapapanood gabi-gabi. hehe...

ayun lang.. sorry haba post.. ginanahan eh.. sana marami na nagbabasa ng blog ko.. hehe.. leave your comments ah..

God bless :D

No comments:

 
Sign my Guestbook from Bravenet.comGet your Free Guestbook from Bravenet.com