Saturday, December 02, 2006

weird ako eh..

Kanina habang nanonood ako ng project runway (haha… addict na talaga ako dun.. season 3 na nga sa discovery travel and living, Mondays to Fridays 9pm.. ang saya talaga..) napag-isip-isip ko na kung ano yung mga pinapanood ko or binabasa ay gusto kong gayahin.. tulad ng Project Runway, gusto ko tuloy maging designer.. gusto lang naman. As if naman matutupad yon, pero nagiging critic na rin ako.. meaning naiintindihan ko na ng konti kung ano yung maganda in the fashion world. Tapos nung nanood ako ng Wendy Wu, gusto ko tuloy mag-aral ng kung-fu. Hannah Montana, I want to be a singer.. masaya ang kumanta.. & yung kabataan days ko, nung nanonood pa ako ng mga fashion shows sa T.V, gusto ko maging model, which is never gonna happen. Haha :D hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito, na-be-brainwash na ba ako ng T.V.?? oh no!! hindi naman siguro.. panandalian lang naman yung syndrome na yun, after ilang days, back to normal na.. at ngayon bihira na lang ako manuod ng T.V., Project Runway na lang.. hehe :P

No comments:

 
Sign my Guestbook from Bravenet.comGet your Free Guestbook from Bravenet.com