ang bilis ng oras noh?? at sa maikling panahon lang marami na ang nagbabago....
napansin ko lang iyon ng isang araaw..
wala kasi ako magawa sa classroom, tapos tinignan ko ang classroom.. medyo nagpapakasenti...
may napansin ako... meron akong isang kaklase na nagbago talaga.. ayoko ko na sabihin ang pangalan... grabe.. kung mga last month mo siya titignan, ibang-iba na talaga siya.. hindi ko alam if nag-change siya fo the better, depende siguro sa point of view yon ng tao.. basta ang point ko lang don ay,, masyadong mabilis ang oras.. minsan hindi na nga natin ito napapansin..
sorry ah.. senti lang.. hehe... hindi ko ma-imagine na ilang buwan na lang ay ga-gradute na kami.. haay... ma-mimiss ko talaga silang lahat.. halos buong buhay ko na silang kasama,..
ano kayang mangyayari sa college?? magbabago kaya ako?? magiging wild ba ako? sana hindi.. hehe... pero sana makapasa ako sa mga pinasukan ko... sana pumasa ako ng UP or UST.. mataas ang pangarap ko.. pero kung hindi man.. nandyan naman ang CKSC.. hehe.. third choice ko talaga yon.. :D
haay... ilang araw na lang ay pasko na.. pero bakit parang hindi na natin nararamdaman ang spirit ng Christmas??... wag niyong sabihin na hindi.. dahil dati rati enjoy tayo sa pag-bibigay sa white gift at sa mga panahon na ito nag-bibigayan na ng mga regalo.. at ang pagbibigay ng christmas cards ay hindi tinuturing na trabaho, kundi dahil gusto natin... masyado nang malungkot ang buhay ngayon.. hindi na simple.. kung dati pagkasapit pa lang ng Disyembre ay excited na tayo at kumakanta na ng mga christmas songs.. pero bakit ngayon wala na? kahit 4th year na tayo at puro assignments ang inaatupag natin, wag naman sana nating kalimutan na Christmas is Jesus' birthday.. i-celebrate natin ito... and remember that.............
JESUS LOVES YOU!!! :D
spread the love of JESUS this season.. :P
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment